
Baguio Flower Festival 2018 Street Dance Competition. Photo by Mau Victa/Rappler
Ang Baguio ay mayaman sa kultura–pagkain, piyesta, tradisyon. Sa ilang taon na paninirahan, ang kakaibang pagkain tulad ng strawberry taho at pinapaitan ang isa sa mga tumatak sa panlasa, ito ay hahanap-hanapin at dito lamang sa Baguio ito mahahanap. Sa piyesta naman ay walang iba kundi ang Panagbenga na tumatagal ng isang buwan at isang linggo mula Pebrero 1 hanggang sa matapos ang unang linggo ng Marso. Para sa mga taga-Baguio, ito ay itinuturing na sakit sa ulo kadahilanan na marami ang bisitang dadayo, ngunit ito rin naman ay sinusulit dahil isang beses lang sa taon mangyari ito. Sa Panagbenga, may parada, may mga paysahe na itinatanghal sa Burnham Park kasama ang Market Encounter kung saan ang iba’t ibang uri ng panindang binebenta tulad ng empanada at bagnet mula sa Ilocos, sapatos mula sa Marikina at iba pa na mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Hindi rin mawawala ang mga iba’t ibang tradisyon tulad ng paniniwala sa mga pamahiin, pagsasagawa ng atang, ang mga salitang garod at ngarod na hindi maipaliwanag sa hindi taga-Baguio. Iilan lamang ito sa mga mararanasan at makikita mong tradisyon sa Baguio.