
Ang pagiging kakaiba ng Baguio City ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito madaling iwan–sa kasaysayan nito, sa kung ano ito ngayon, sa mga kultura at tradisyon na dito lamang mahahanap, sa mga damdamin na dito mo lamang mahahanap at makikilala. Ang Baguio City ay marami ng nakita at napagdaanang mga kwento at kung hahayaan ni tadhana ay dito mananatili hanggang sa dulo. Kahit minsan ay nais itong iwan, malinaw din na babalik at babalik pa rin dito sa Baguio.