Home

hiraya travels

isang lakbay sanaysay

Lakbay Hiraya Travels

Sa bawat hakbang, sa bawat pagsakay sa isang transportasyon patungo sa bagong mundo, bagong lugar na wala kang kaalam-alam, hahanap-hanapin at lilingunin mo pa rin ang lugar kung saan ka nanggaling. Iba pa rin ang epekto ng bayan na pinaglakihan kumpara sa mga lugar na narating na.

Sa lugar kung saan lumaki at umusbong ang pagkatao, Ngunit ang pag-tapak natin sa ibang lugar ay isa rin sa mga bagay na tumutulong sa atin na umusbong pang lalo upang maging mabuting tao at upang mapalawak ang ating mga diwa, ang pag-tapak natin sa ibang lugar ay nagbibigay sa atin ng kakaibang karanasan na nakakatulong sa atin na mas maintindihan ang sarili. Tayo ay naglalayag upang mawala para mahanap natin ang sarili natin (You have to get lost before you get found)

Sa paglalakbay tayo mas nakakadiskubre ng mga bagay tungkol sa sarili natin pati na rin sa ating kultura at sariling bansa at bayan. Ngunit kahit saan man tayo mapadpad ay walang tatalo sa bayang nilakihan at pinag-usbungan ng iba’t ibang ala-ala.

Ang Baguio City tuwing takipsilim

Baguio City

Baguio City na minsan ang bansag ay Summer Capital of The Philippines, minsan naman ay City of Pines. Itong lugar na ito ay isa sa mga dinarayo ano man ang okasyon mula summer vacation, Holy Week, Holidays or winter break at syempre, tuwing buwan ng Panagbenga–ang piyesta na nagaganap tuwing Pebrero na itinuturing na buwan ng pagsabong ng mga bulaklak. Ang Baguio City ay mayaman sa kultura sapagka’t ito ang kanlungan ng iba’t ibang lipi ng mga Cordillerans. Napupuno dito ng mga karanasan na hindi pangkaraniwan na maiisip mong natupad na ang mga nais mong maranasan bilang isang manlalakbay.

Design a site like this with WordPress.com
Get started